ISABELA - Sisimulan na ang retrofitting ng Magat Dam sa Ramon sa lalawigan.

Ito ay matapos tiyakin ni Senator Imee Marcos ang paglalaan ng pondo nito na aabot sa P500 milyon.

Nitong Sabado, pinangunahan ng senador ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto.

Tiniyak ng senador na hindi maaapektuhan ang irrigation services at pagbibigay ng hydroelectric power habang ginagawa ang proyekto.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang nasabing dam ay pinagkukunan ng patubig para sa 85,000 ektaryang sakahan sa Luzon.

“The Magat Dam is a legacy of my father so we have to see to it that it will last for more decades or a century. It is an essential foundation for national development,” ayonpa kay Marcos.