Muli na namang napagdiskitahan ang sumasabog na blush on ng social media personality at content creator na Felix Petate o mas kilala bilang "Sassa Gurl." Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ng netizens kundi bilang halimbawa sa isang seminar sa simbahan.

"Na-manifest ko 'yun, jusko. Nasama nga ako sa homily ni father," kuwelang komento ni Sassa Gurl sa isang presentation ng isang seminar na may katagang "Instead of living the life of saints, we look and imitate stars and influences."

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kasama ni Sassa Gurl na inihalimbawa sina Esnyr at Cong TV.

"HAHAHAHA Nademonyohan siguro sila sa blush on ko sorry na po Simbahang Katoliko," ani Sassa Gurl.

Giit naman ng social media personality, nakumpleto naman daw niya ang simbang gabi nakaraang taon.

Pabiro namang saad ni Sassa, dapat full-packed ang blush on kapag magsisimba upang mapansin ng mga poging sakristan.

"Peace be with you na lang, gano'n," tugon ni Sassa.

Umani naman ng aliw na komento sa netizens ang nasabing post ni Sassa:

"Inferno - Bella Porch ft. Sassa Gurl"

"Holy week✖️ Holy teeth✔️"

"Yung biglang naging masamang halimbawa ka Hahhahahahha"

"Nung nalaman nyang umasim bigla sa simbahan hahahahhahaha"