Itinalaga sa International Criminal Police Organization ad hoc committee si Philippine National Police (PNP) Directorate for Plans director, Maj. Gen. Bernard Banac.

Kabilang si Banac sa anim na miyembro ng nasabing komite na hihimay sa iniharap na rekomendasyon sa 24th Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Layunin ng ad hoc body na magsagawa ng pag-aaral at magmungkahi sa ikalalakas ng cross-border police cooperation, at magbigay ng suporta sa pagpigil at paglaban sa international crimes.

Kabilang sa miyembro ng komite sina Hao Zou ng China, Bidari Vijayendra ng India, Chingiz Kaiyrzhanovng Kazakhstan, Paul Hamlyn ng New Zealand at Hamad Yousif Al Hammadi ng United Arab Emirates.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang pinangunahan ni PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang 10 miyembro ng delegasyon ng Pilipinas, sa dinaluhan nilang pagpupulong sa UAE noong Pebrero 7-11 kung saan tinalakay ang usapin sa cybercrime, human trafficking, financial crime at kampanya laban sa terorismo.

Philippine News Agency