Isang 9-foot-long python ang narekober ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod at mga residente ng Antipolo City nitong Miyerkules, Enero 25.

Ayon sa pamahalaang lungsod, namataan ang reticulated python nitong Miyerkules ng gabi sa loob ng bahay ng isang pamilya habang natutulog ang mga ito.

Tinawag anilaang Anima Control Team na agad namang rumesponde sa lugar at matagumpay na nahuli ang naturang sawa. Itinurn over ang nahuling hayop sa Provincial Environmental Natural Resources Office (PENRO) para sa check up at dokumentasyon.

Hinimok ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang mga residente na kung sakaling makakita ulit ng sawa ay huwag nang tangkain na hulihin o patayin bagkus ay tumawag kaagad sa  City Veterinary Office (CVO) (8689-4514) o ipaalam sa kanilang barangay. 

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Patrick Garcia