San Fabian, Pangasinan — Arestado ang 21-anyos na estudyanteng babae sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Brgy. Tempra-Guilig nitong Miyerkules, Enero 18.

Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 1, naaresto ng San Fabian police si Noraida Darang, residente ng Brgy. Sagud Bahley, San Fabian. 

Naaresto ang suspek nang mag-abot ito ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline granules ng pinaghihinalaang shabu sa operatiba.

Nasamsam din kay Darang ang mark money ng kaniyang ginamit, at heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline granules ng pinaghihinalaang shabu. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala na ang mga ebidensya at suspek sa San Fabian police station.