Pinag-iingat ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish matapos magpositibo sa red tide ang 10 lugar sa bansa.

Sa abiso ng BFAR, kabilang sa mga naturang lugar angcoastal waters ng Milagros sa Masbate,coastal waters ng Panay,coastal waters ng President Roxas at Pilar sa Capiz,coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol,Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, atLianga Bay Surigao del Sur.

Sa pahayag ni BFAR information chief Nazario Briguera, nagpositibo saparalytic shellfish poisoning ang mga nabanggit lugar.

Hindi rin aniya ligtas na kainin ang tahong at maliliit na hipon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Ligtas pa rin namang kainin ang mga isda, gaya ng galunggong, pusit, hipon, at alimasag na nakukuha o nahuhuli sa mga binanggit na lugar. Tiyakin lamang na ang mga ito ay sariwa, nilinis nang maayos, at tinanggalan ng lamang-loob bago lutuin," sabi pa ni Briguera sa isang televised briefing.