Patay ang isang batang babae matapos masagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) habang tumatawid sa kalsada sa Baras, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Binawian ng buhay sa Cabading Hospital si Nicole Joy Lejano, 12, taga-Brgy. Pinugay, Baras dulot ng matinding pinsalang sa katawan

nasa kustodiyana ng mga awtoridad ang driver ng SUV na si Roldan James at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, dakong 8:50 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Marilaque Highway sa Brgy. Pinugay.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Binabagtas umano ni James, sakay ng kanyang SUV, ang Marilaque Highway mula Tanay, patungong Antipolo City, nang bigla na lang umanong tumawid ng kalsada ang bata na naging dahilan ng aksidente.