Muling inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang "Rat to cash" program ngayong Miyerkules, Setyembre 14, para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na leptospirosis. 

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, mayroon na lamang tatlong kaso ng leptospirosis sa lungsod. Ito raw ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon na kung saan nakapagtala sila ng walong kaso. 

Ang "Rat to cash" program ay naglalayong magbigay ng cash reward sa mga residente kapalit ng nahuli nilang mga daga. 

“Ginagawa natin ang programang ito para pangalagaan ang kalusugan ng lahat,” saad ng alkalde.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Sa pamamagitan ng programang ito, nakita ng mga residente ang oportunidad na magkaroon sila ng additional income para sa pamilya nila. Ang programang ito ay hindi lamang para ma-control ang paglaganap ng leptospirosis sa komunidad, ito rin ay para mabigyan ang mga residente ng kaunting tulong para magamit sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan," dagdag pa niya.

Para maiwasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng nasabing sakit ay namigay ang lokal na pamahalaan ng gamot na doxycycline na isang preventive medicine laban sa leptospirosis.

Samantala, ang mga nahuling daga ay dadalhin sa City Environmental Management Office o CEMO ay ilalagay sa yellow trash bins dahil ang mga ito ay classified bilang infectious waste.

Ang mga residente lamang ng Marikina ang pinapayagang lumahok. Tatagal naman ang programa hanggang sa Setyembre 16, 2022.

Batay sa National Leptospirosis Data ng Department of Health na inilabas nitong Miyerkules, nabatid na mula Enero 1 hanggang Agosto 27, 2022, ay umaabot sa 1,770 ang leptospirosis case na naitala sa bansa.

Ito ay mas mataas anila ng 36% kumpara sa 1,299 lamang na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/14/naitalang-leptospirosis-cases-sa-pinas-tumaas-ng-36/