Inanunsyo ng Philippine Stagers Foundation nitong Biyernes na magkakaroon ng worldwide tour ang FAMAS award-winning film na “Katips.”

“Katips is going to our kababayans abroad! Watch out for the details so you can enjoy it with your families and friends in the cinemas near you,” mababasa sa kanilang Facebook post.

Kabilang sa listahan ng international screenings ang nauna nang inanunsyo na Dubai sa United Arab Emirates.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mapapanuod din ang “Katips” sa Japan, Taiwan, Israel, Hong Kong, Australia, Hawaii, Amerika, Switzerland, United Kingdom, Canada at New Zealand.

Gayunpaman, wala pang ilang detalye ukol sa mga kumpirmadong bansa kung saan mapapanuod ang martial law themed film.

Tila lilipad din ang direktor at ilang cast ng “Katips” sa mga nasabing bansa base sa isang shared post ng isa sa mga aktor ng pelikula na si Johnrey Rivas.