Usap-usapan ang public apology ni "Pinoy Ako Blog" blogger Jover Laurio kay blogger-journalist Sass Sasot, kaugnay ng pagtawag niya rito bilang "prostitute" sa kaniyang blog posts noong 2017.
Ayon kay Laurio, ginawa niya ang paghingi ng paumanhin dahil wala umano siyang batayan o ebidensiya para patunayan ang kaniyang mga naging paratang. Humingi rin siya ng tawad sa ina ni Sasot at sa pamilya nito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/20/pinoy-ako-blog-blogger-na-si-jover-laurio-nag-public-apology-kay-sass-sasot/">https://balita.net.ph/2022/07/20/pinoy-ako-blog-blogger-na-si-jover-laurio-nag-public-apology-kay-sass-sasot/
Bagay na tinanggap naman ni Sasot at mukhang hindi na nito isusulong pa ang kasong libelo laban kay Laurio, alang-alang sa anak nito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/20/sass-sasot-tinanggap-ang-public-apology-ni-pinoy-ako-blog-blogger-jover-laurio/">https://balita.net.ph/2022/07/20/sass-sasot-tinanggap-ang-public-apology-ni-pinoy-ako-blog-blogger-jover-laurio/
Ayon kay Laurio, hindi madali ang kaniyang ginawa.
"It was a tough decision, but I did the right thing. Thank you to some friends and one relative who checked on me. I appreciate your support and concerns," ayon sa tweet ni Jover, Miyerkules, Hulyo 20.
Tila marami umano ang nadismaya sa kaniyang ginawa, bagama't marami rin ang nakauna sa kaniya, alang-alang sa pagiging nanay niya.
"Nagkamali ako, may nasaktan ako kaya humingi ako ng tawad. Kung disappointed ka, lakompake," sey ni Jover sa isang netizen na nagsabing nakakadismaya siya at tila pinaigting ng kaniyang ginawa ang naratibo ng iba, na hindi naman tinukoy kung ano.
Isang netizen naman ang direktang umokray sa kaniya.
"Now we know you are soft on that bakla. OK. Wala naman kami maitulong sa libel mo. So kung ma-dismiss ang libel eh di ok. But never defend that bakla before us in any shape or form."
Agad na bumwelta ang blogger at nagpakawala ng tatlong puntos sa naturang netizen.
"First, babae si @srsasot (Sass Sasot). Second, walang masama sa paghingi ng tawad lalo na at nagkamali at may nasaktan ako. Ang paghingi ng tawag ay hindi kahinaan. Third, let's stop using 'bakla' derogatory statement. 2022 na."
Niretweet din ni Jover ang komento rin ng isang netizen na di sumang-ayon sa kaniyang na-call out na netizen.
"Sass is a woman. Wag tayong mag mislabel ng gender identity. 2022 na po, kasama ng pagiging mulat ang maging bukas na matuto kung ano ang SOGIE. Bakla is, for all intents and purposes, Tagalog for gay. Sass isn’t gay."
"Currying favor and earning graces? Ang pagtawag ng tamang gender identity sa Isang tao ay dapat normal na ginagawa sa panahong ito. Kung hindi mo yun alam, eh di alamin mo," sey pa niya sa isang tweet.
Huling banat ng blogger, "Ang daming may say na ngayon sa desisyon ko sa buhay. Patawa kayo."