Nararanasan na ng mga residente ng limang lungsod sa Metro Manila ang pagkawala suplay ng tubig dulot ng kinukumpiningnasirangtubo sa Maynila.
Paliwanag ni Maynilad-Corporate Communications chief, Jennifer Rufo, ang nasabing tubo ng tubig ay aksidenteng tinamaan ng heavy equipment ng isa pang contractor na nangangasiwa sa drainage project sa panulukan ngPureza Street, at Abad Santos sa Sta. Mesa, Maynila, kamakailan kaya nagkaroon ng matinding pagtagas.
Bukod sa Maynila, apektado rin nito angMakati, Parañaque, Las Pinas at Pasay.
Sinabi ni Rufo, nililimas muna ng kanilang contractor ang tubig upang maisara at maisaayos nang husto ang napinsalang pipeline.
"In some portions po, 18 hours po 'yung interruption pero in some areas as long as 36 hours," aniya.
Ayon kay Rufo, inaasahang matapos ang pagkukumpinisa Sabado, Hulyo 16.Tiniyak pa nito na magpapakalat sila ng mobile water tanker sa mga apektadong lugar upang marasyunan ang mga residente.