Mahigit sa₱131 milyong halaga ng umano'y pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport sa Zambales kamakailan.

Sinabi ni BOC Port of Subic District Collector Marites Martin, ang pagkakadiskubre ng 3,160 kahon ng sigarilyo ayresulta ng surveillance operations ng BOC-Subic at intelligence group sa profiling of shipments na may kahalintulad na deklarasyon.

Ang kargamento ay sakay ng tatlong 40-footer na container van, ayon sa BOC.

Sa pagsisiyasat ng BOC, ang mga nakumpiskang sigarilyo ay hindi kasama sa mga brand ng sigarilyo sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at List of Registered Importers of Cigarettes Brands.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Natuklasan din ng BOC na peke ang ginamit na pangalan ng consignee.

Binanggit pa ng BOC na naglabas sila ng warrant of seizure and detention sa kargamento bilang paglabag sa National Tobacco Administration Circular, BIR Revenue Memorandum circular at paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act)