Opisyal nang magbabalik-telebisyon sina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang sitcom na ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa.’

Dumalo sa kanilang contract signing ang mag-asawa noong Abril 25 sa Luxent Hotel, kasama ang GMA Network at APT executives, na nagpahatid naman ng kanilang pagsuporta sa pamamagitan ng video messages.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Present sa naturang contract signing sina GMA Network Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes; First Vice President for Program Management Department Jose Mari R. Abacan; at Assistant Vice President for Program Management Department Concie Agnes.

Sa panig naman ng APT Entertainment ay sina CEO and President Michael Tuviera; COO and CFO Jojo Oconer; at Vice President for Production Operations Camille Montaño.

“Na-realize namin na naging tahanan namin ang GMA for the past two decades and forever grateful kami sa tiwala na binigay ninyo sa amin. It was because of GMA kung bakit ko nakilala ang aking mapapangasawa at dahil doon, nagtayo kami ng sarili naming tahanan at doon nangyari ang idea na mag-shoot kami ng small videos sa bahay na ang title ay ‘Jose at Maria.’ Doon ko na-realize na ang sarap talaga katrabaho ni Marian na sobrang professional at sobrang galing at kahit sa mini-videos na ‘yun ay ganun pa rin ang kanyang dedication," pahayag ni Dingdong.

"That’s why sabi namin, we want to bring this to the next level. That’s where APT comes in na nagtiwala sa amin at sa concept na puwede namin gawin together. I’m very grateful for the trust, for building on the idea, at dahil ‘dun nanganak ang tahanan naming maliit sa isang mas magandang konsepto which is ‘Bonggang Villa’ kaya maraming salamat APT for everything and of course, sa GMA, for trusting us with this one. Para sa amin hindi lang siya trabaho or task as an actor, this is also very personal to us, dahil dream namin ito, na makasama ulit ang isa’t isa sa trabaho, na makabilang sa isang show that we are also part of through co-producing and creating.”

Sumang-ayon naman dito si Marian.

“Isa ito sa mga pinangarap namin, lalo na sa akin kasi ang tagal ko nang hindi lumabas sa primetime, hindi ako makapaniwala na totoo na ito, na mangyayari na ito kasi pangarap ko talaga magkaroon ng sitcom kasama si Dong. So ito na ang pangarap na ‘yun kaya sabi ko sa mga taong nagmamahal at naghihintay, malapit n’yo nang mapanood sina Maria at Jose.”

Nagpahayag naman ng kani-kanilang mga mensahe ang mga bosing ng GMA sa kanilang dalawa.

Atty. Felipe L. Gozon: “Sina Dingdong at Marian ay dalawa sa mga homegrown talents ng GMA Network na naging pinakapopular. Ang kanilang mga programa ay puro matataas ang rating. Kaya naman excited kami sa kanilang first sitcom dito sa GMA. Nakakasiguro kami na ang kanilang maraming fans dito sa Pilipinas at abroad will welcome them back in TV very soon.”

Felipe S. Yalong: "Congratulations, Dingdong and Marian! We are excited to meet Jose and Maria in this new sitcom and we are so proud of how much you two have grown, as individual artists in your craft, and now, as co-producers of GMA. We are looking forward to many more partnerships with you."

Atty. Annette Gozon-Valdes Gozon-Valdes: “We’ve always loved working with APT and mas special ang project na ito kasi pagbibidahan ng ating pinakamamahal na Primetime King and Queen ng GMA. What’s even more special about this is partners namin sila sa programang ito. I’m sure sabik na sabik na ang lahat na mapanood sila back in television and magkasama pa ang dalawang pinaka-talented at sikat na artista ng Pilipinas. We are very excited to finally have this show on air and sana magustuhan ito ng mga manonood.”

Jose Mari R. Abacan: “I’m very happy because these past few days magmula noong mag-pandemya, nagkaroon tayo ng maraming partnerships with GMA. Ikinagagalak ko na syempre hindi makukumpleto ang partnerships kung hindi natin magiging partner ang APT at ang pinakamamahal na hari at reyna ng Primetime. So, very happy kami ngayon na magkakatrabaho na tayo this time in something that they’re going to be producing as well. So, I’d like to welcome APT and Marian and Dingdong.”

Michael Tuviera: “Sobra akong na-inspire because I've been wanting to work with them for the longest time as producers also as co-producers. I think first time nila ulit to be together on screen in more than 10 years. So, it's such a big honor for APT to be partnering with GMA again, of course, and for the first time naman as co-producers not just our lead stars, the royal couple. Thank you very much for this opportunity Dong and Yan and we look forward to this journey.”

Jojo Oconer : “Kami sa APT, we are very excited and grateful to be working with really good friends. Sila Dingdong, Marian, Joey, Ms. Annette and everybody from GMA. We are just looking forward to this sitcom.”

Magsisimula ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’ sa Mayo 14 sa GMA Network.