May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Stop propagating Sin of homosexuality!' Alvin Aragon, pinapaalisan ng show si 'King of Talk'

'Stop propagating Sin of homosexuality!' Alvin Aragon, pinapaalisan ng show si 'King of Talk'
Photo courtesy: Alvin Aragon (FB)/Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang panibagong buwelta ng dating "StarStruck" avenger at mister ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona, na si Alvin Aragon para sa isang tinawag niyang "King of Talk."

Sa Facebook post ni Alvin nitong Lunes, Marso 23, tila may open letter siya sa isang "Maam Annette," na bagama't hindi niya direktang tinukoy, hula ng mga netizen ay si GMA Network executive Annette Gozon-Valdes.

Aniya, dapat daw alisan ni Maam Annette ng show si "King of Talk" gayundin ang writers dahil ginagamit daw na platform ang show para sabihing ayos lang na magkaroon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

"Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents," aniya.

Magagalit daw ang "King of Kings" sa ginagawang ito ni "King of Talk."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer.

Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin," dagdag pa.

Pagwawakas niya, "Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus."

Photo courtesy: Screenshot from Alvin Aragon/FB

Bagama't walang direktang banggit, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy ni Alvin ay si King of Talk Boy Abunda, na kamakailan lamang ay diretsahang nagbigay ng saloobin hinggil sa pagiging viral ni Alvin dahil sa isyu ng homosexuality.

Matatandaang nag-guest pa sina Izzy at Alvin sa "Fast Talk with Boy Abunda" bago pa man ma-bash nang husto ang dating StarStruck avenger, dahil sa mga naging pahayag niya tungkol sa hindi pagsama ng misis sa reunion concerts ng SexBomb Girls, at pananaw tungkol sa homosexuality gayundin sa ilang celebrity parents na may anak na miyembro ng LGBTQIA+ community na "hinayaan" daw ang mga anak na gawin ang gusto nila.

Saad ni Abunda, bagama’t nirerespeto niya ang pananampalataya at paniniwala ni Aragon, naniniwala siyang “sumobra” ito sa mga naging pahayag tungkol sa pagtanggap ng mga magulang sa kanilang mga anak na kabilang sa LGBTQIA+ community.

Ayon kay Abunda, maaaring nanggagaling si Aragon sa perspektibo ng relihiyon, ngunit hindi umano nito maaaring ipilit ang sariling paniniwala at estilo ng pagpapalaki sa iba.

Binigyang-diin ni Tito Boy na masakit para sa maraming magulang at miyembro ng LGBTQIA+ community ang tila paghusga sa mga magulang na piniling yakapin ang kanilang mga anak nang may pagmamahal, dignidad, at malasakit.

Tinukoy rin ng TV host sina K Brosas, Ian Veneracion, at Gloc-9, na aniya’y hindi dapat ginagamit na halimbawa upang sabihing mali ang pagtanggap sa mga anak na kabilang sa LGBTQIA+ community.

Sa huli, ibinahagi ni Abunda ang kaniyang paninindigan bilang isang miyembro ng LGBTQIA+ community. Aniya, naniniwala siya sa isang Diyos na mabait, maunawain, at mahabagin. Sinipi pa niya si St. John of the Cross: “In the evening of life we will all be judged on love and love alone.”

"Alvin, you cannot impose your faith. You cannot impose your parenting style. You cannot impose yourself on us… Walang puwedeng magsabi sa amin, not you, not anyone. Kung iba ang iyong paniniwala, iba ang iyong faith, sobra ang paggalang ko sa’yo."

"As a matter of fact pagdating nila dito, I found Izzy really beautiful inside and out. Alvin was so funny. We had a wonderful experience with them… Pupunta ba ako sa impyerno because I am gay? At pupunta ba ang mga magulang na yumayakap sa kanilang mga anak with love and dignity? Hindi kami pupunta ng impyerno because ako, I believe in a God who’s kind, I believe in a God who’s compassionate, I believe in a God who is all understanding, I believe in a God na makikita ang aking kalooban…"

"Sinabi ni St. John of the Cross, and listen, ako gusto ko itong pakinggan ni Alvin, ‘in the evening of life we will all be judged on love and love alone,'" pahayag ni Abunda.

Sa kabila ng kaniyang pagtutol sa naging pahayag ni Aragon, nilinaw ni Abunda na handa siyang makinig at makipag-usap, ngunit nananatili siyang matatag sa paniniwalang ang pagmamahal at pagtanggap ang dapat manaig.

Maki-Balita: Boy Abunda kay Alvin Aragon: 'He crossed a line!'

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Abunda sa naging pahayag ni Aragon.