PITOGO, Quezon -- Natusta ang isang stroke patient nang masunog ang kanyang tinitirahan na kubo sanhi nang makatulugan niya ang kanyang niluluto.

Ang biktima ay si Antonio Batanas, 68, soltero at residente ng Barangay Buga, Quezon.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay mag-isa sa kaniyang bahay at nagluluto ng tanghalian dakong alas-2:30.

Subalit nakatulog ito at napabayaan ang niluluto hanggang sa sumiklab ang apoy at nagkasunog.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naapula ang sunog sa pagtutulungan ng kaniyang kapitbahay.

Nang dumating ang Fire Brigade ng Pitogo at Municipal Risk Reduction Management Office nabatid nila na ang biktima ay nasa loob ng bahay habang nagliliyab.

Natagpuan nila ang sunog na katawan ng biktima at base sa testimonya ng mga kapitbahay, sinabi nilang stroke patient ang biktima.