Iniutos na ngPresidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagtugis sa riding-in-tandem na pumaslang isang dating radio commentator na kumakandidatong konsehal sa Sultan Kudarat nitong Miyerkules, Enero 12.
“The government condemns in the strongest possible terms the killing of Jaynard Angeles, a candidate in the local election and former station manager of Radyo ni Juan. We will never tolerate any act of violence against any person,” ayonkay Undersecretary Jose Joel Sy Egco, executive director of PTFoMS.
“We condole with the family, loved ones, and colleagues of Mr. Angeles. The PTFoMS is now in close coordination with the Philippine National Police (PNP) in conducting intensive police operations to pursue his assailants and bring the perpetrators before the bar of justice,” pagbibigay-diin nito.
Sa paunang ulat ng pulisya na naisumite sa PTFoMS, si Angeles ay pinagbabaril ng dalawang lalaki habang ito ay nasa isang auto repair shop sa PurokSampaguita, Brgy. New Carmen, Tacurong City, dakong 10 ng umaga.
Matapos ang krimen, agad na tumakas ang dalawang suspek lulan ng isangitim na motorsiklongKawasaki Bajaj.
Naiulat na si Angeles ay nagbitiw sa kanyang trabaho sa Radyo ni Juan upang kumanddidato sa pagka-konsehal sa Lambayong sa nasabing lalawigan.
“Even if Mr. Angeles is a former media practitioner, the Task Force will not stop until the masterminds and their cohorts are caught, charged, and convicted for this heinous crime. There is no justification for murder, whatever Angeles may have been involved with in the past,” ayon pa kay Egco.