Patay si Albarka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid at isang security escort nito na ikinasugat din ng isa pang alkalde sa lalawigan nang ambusin sila ng apat na lalaki malapit sa isang pribadong daungan sa Zamboanga City nitong Lunes, Disyembre 6.
Bukod kay Lajid, napatay din ang security aide nito na si Barad Nuruddin.
Nasugatan naman sa pag-atake ang pinsan ni Lajid na si Akbar, Basilan Mayor Ali Awal Sali.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap sa Barangay Baliwasan dakong 8:30 ng umaga.
Naiulat na kababa lamang ng dalawang alkalde at mga security escorts sa pantalan sa nasabing lugar nang pagbabarilin sila ng apat na suspek.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng Cal. 45 pistol.Tumakas ang mga suspek lulan ng isang bangkang de-motor at isang puting kotse.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Liza Abubakar-Jocson