“Mas intense!”

Ganito inilarawan ng ilang netizens ang pilot episode ng comeback drama ng South Korean Oppa na si Kim Soo-Hyun sa remake ng hit UK BBC television series na “Criminal Justice” nitong Sabado, Nob. 27.

Viral agad sa social media ang mga larawan ng palabas kabilang na ang pambungad na bed scene.

Ang Korean remake na tinawag na “One Ordinary Day” ay tungkol sa buhay ng isang tipikal na estudyante na si Kim Hyun-Soo na pinagbibidahan ni Kim Soo-Hyun na napagkamalang mamamatay tao. Isang abogadong mula sa isang mababang pamilya ang magtatanggol kay Hyun-Soo sa korte sa katauhan ni Shin Joong-Han na bibigyang buhay naman ni Cha Seung-Won.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Hindi mapigilan ng Pinoy fans ang intense na pagganap ni Soo-Hyun sa brand new drama series kaya’t iba’t ibang Korean drama pages ang sumabog kasunod ng pilot episode nito sa streaming platform na Viu nitong Sabado.

Unang naiulat na bubuuin ng walong episodes ang drama.

Sumikat sa Pilipinas si Soo-Hyun sa mga proyektong “My Love From the Star,” “It’s Okay Not to Be Okay” bukod sa iba pa.