Tuloy ang kasal!

Habang banta pa rin sa Pilipinas ang coronavirus disease (COVID-19), hindi naman napigil ang magkasintahang Jose at Paola na dinaan sa "drive thru" ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa ibinahaging kuwento at larawan ng Nice Print Photography & Exige Weddings, isang sikat na wedding organizer ng mga celebrities, nitong Martes ng gabi, Setyembre 28 malayo sa naging tradisyunal na kasal ang naganap sa Lipa City, Batangas.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Nice Print Photography & Exige Weddings

Sa halip kasi na simbahan, isang outdoor wedding ang naganap kung saan ang aisle ng bride ay pinalilibutan ng ilang sasakyan.

Pagbahahagi ng Nice Print, napiling “no guest contact” ng bride and groom ang kanilang kasal kaya’t drive through wedding ang naging tema nito.

Nasaksihan ng mga imbitadong kamag-anak at kaibigan ang pag-iisang dibdib mula sa kanilang sasakyan.

Maging ang mga food trays at souvenirs ng kasal ay pinamahagi lang sa mga sasakyan upang maiwasan ang potensyal na hawaan ng COVID-19 sa espesyal na okasyon.

Namangha naman ang mga netizens at sumang-ayon na isang “creative idea” ang naging kasal.

Sa pag-uulat nasa higit 3,000 reactions, 225 shares na ang nasabing Facebook post ng Nice Print.