Usap-usapan sa mga blind items ang paglipat umano ng isang batikang Kapamilya TV host sa Kapuso Network.

Sa entertainment vlog ni Ogie Diaz na 'Showbiz Update,' ang naturang TV host raw ay walang iba kundi ang timaguriang 'King of Talk' na si Boy Abunda.

May negosasyon na umano sa pagitan ng kampo ni Boy at GMA Network para kunin ulit ang serbisyo ng TV host, na dati na rin namang nasa Kapuso Network, bago nag-ober da bakod sa ABS-CBN.

“Ganun lang. Alam mo ang important dito Loi (co-host ni Ogie) na dapat tayo eh hindi tayo nagsusunog ng tulay. Yun lang naman yun. Kasi marami rin akong kilala na from Kapamilya naging Kapuso. Tapos kung ano-ano sinasabi against Kapamilya kaya feeling ko yung mga yun hindi makakabalik,” pahayag ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Boy Abunda Flaunts His Pride-Themed House, Netizens React (Photos)
Boy Abunda/Larawan mula sa IG

“Si Kuya Boy, pwedeng maging Kapuso muna siya habang wala pang prangkisa yung Kapamilya, kung totoo ha! And eventually, pag natapos yung kontrata niya at okay na ulit sa prangkisa ng ABS-CBN, eh di welcome naman si Kuya Boy. Kasi siyempre, sa ABS-CBN: ‘Oh so wala akong sinasabing masama against us, bagkus nagpapasalamat ka pa. Hindi namin sinasara yung pinto para sa 'yo,’ may ganyan ang ABS-CBN.”

Ilan sa mga naging programa ni Boy sa GMA Network ay ang 'Show and Tell' at 'Startalk' bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Namayagpag naman si Boy Abunda sa ABS-CBN sa dami ng mga markado niyang talk shows, na karamihan ay katambal ang kaniyang kaibigang si Kris Aquino.

Ang huling short entertainment talk show ni Boy bago mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay 'Tonight with Boy Abunda' o TWBA.

Samantala, wala pang kumpirmasyon si Boy hinggil sa naturang blind item.