Tinatayang aabot sa34,000,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam sa isang lalaki sa Las Piñas City, nitong Sabado.

Nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Special Enforcement Team (RSET) ang suspek na siMimbalawag Jealal Shaikalabi, nasa hustong gulang, at taga-Las Piñas City.

Sa inisyal na ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA-RSET sa bakanteng lote sa C-5 Extension, Brgy. Manuyo na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.

Nasamsam sa suspek ang iligal na droga na nagkakahalaga ng34 milyon at buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.

Metro

‘May kalalagyan kayo!’ DOTr Sec. Lopez, binalaan mga tiwaling airport personnel

Bella Gamotea