Nag-set up na ang Manila City government ng isang 40-foot refrigerated container van na gagamitin bilang pansamantalang imbakan ng mga bangkay na biktima ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ikinatwiran ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Biyernes, Agosto 27, isa lamang ito sa kanilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng babawian ng buhay sanhi ng virus.

“Basta ready lang tayo. As always,” paliwanag nito.

Idinahilan naman niVice Mayor Honey Lacuna-Pangan, magsisilbing storage facility para sa mga bangkay bago pa sila isailalim sa cremation.

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Ipinuwesto ang nabanggit na storage facility sa tabi ng Mega COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park.

Nitong Biyernes, umabot na sa 75,050 ang kabuuan ng nahawaan ng sakit sa lungsod matapos maitala ang 451 panibagong kaso nito.

Andrea Aro