Arestado ang dalawang lalaki dahil sa illegal possession of firearms sa Diffun, Quirino.

Kinilala ang mga suspek na sina: Danilo B. Alicon, 54, residenteng Bgy. San Antonio, Cabeseria, Ilagan; at Deo C. Malinao, 23, negosyante, residente ng Bgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ayon sa police report, isang concerned citizen ang tumawag umano sa estasyon at nireport ang kahina-hinalang gray Nissan Almera na nakaparada sa national road na walang plate number habang nasa loob ang dalawang hindi kilalang lalaki.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis.

Narekober ng mga awtoridad ang green sling bag ng suspek na naglalaman ng caliber 45 Colt pistol na may serial number 151054, isang short magazine na may walong live ammunitions, isang extended short magazine na may siyam na live ammunitions, isang black Nokia Cellular phone, isang black bonnet at iba pang pertinent documents.

Narekober naman sa sasakyan ang isang brown leather sling bag na naglalaman ng caliber .45 Para Ordnance model P-Z .45 pistol na may serial number 911963 at may magazine na may pitong live ammunition at 24 live ammunition, limang empty shells, pera na nagkakahalagang P28,000, isang unit ng Huawei smartphone at iba pang pertinent documents.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP Diffun kung kasangkot ang dalawang suspek sa iba pang mga criminal activities sa munisipalidad.

Dinala na sa police station ang mga suspek at kakasuhan ng violation of RA 10591 laban sa kanila.

Liezle Basa Inigo