Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpapatuloy pa rin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ang pagkakaloob ng libreng sakay o free rides sa mga authorized persons outside residence (APOR) na bakunado na laban sa COVID-19 hanggang sa Agosto 31, 2021.

Ito’ymatapos naisailalimna ng pamahalaan ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simulanitongAgosto 21 hanggang sa Agosto 31, 2021.

Nilinaw ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kahit wala na sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila ay ipagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng free rides para sa mga vaccinated APORs ngunit sa piling oras na lamang.

Ang mga bakunadong APOR aniya ay maaari pa ring sumakay ng libre sa LRT-2 at PNR trains tuwing off-peak hours habang libre naman ang kanilang sakay sa MRT-3 kapag peak hours.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Mary Ann Santiago