Patuloy pa rin ang isinasagawang swab testing ng Navotas City government upang mapalakas pa ang paglaban nito sa nakahahawang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Larawan mula sa Facebook post ni Navotas Mayor Toby Tiangco

Naglabas na rin ng ordinansa ang lungsod na nag-uutos na hulihin ang lahat ng lumalabag sa curfew, hindi pagsusuot ng face mask o face shield at hindi pagsunod sa itinakdang social distance.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga frontliners na katuwang natin sa pagsisikap na mapangalagaan at maproteksyunan ang kalusugan ng bawat Navoteño. Ang agarang swab testing ay isa sa mga istratehiya natin para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19,” ang bahagi ng Facebook post ni Mayor Toby Tiangco

Tala mula sa Facebook Page ni Navotas Mayor Toby Tiangco

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang lungsod ng 544 active cases ng Covid-19.