Pinananatili ni Pangulong Duterte ang high approval at trust ratings sa higit isang taon at kalahati ng krisis sa coronavirus sa bansa na labis nakakaapekto sa buhay ng maraming Pilipino, ayon sa independent pollster.

Sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Inc), isang independent at non-commission survey.

Nakakuha si Duterte ng 77 na porsyento ng approval rating sa National Capital Region (NCR).

Nakakuha rin ang Chief Executive ng trust rating na 72 na porsyento base sa isinagawang survey sa 3,500 respondents sa NCR mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 10 ngayong taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Dr. Paul Martinez, executive director ng RPMD, ipinapakita ng kasalukuyang political analytics ang “commendable” performance ni Duterte sa kabila ng mga hamon na kinakaharap nito.

“Majority of the constituents appreciate the efforts he has done in NCR,” aniya sa isang pahayag.

“The Duterte family name has embedded it’s brand name in the society wherein the possibility of her daughter running for a political position will be a great advantage,”dagdag pa niya.

Sa kaparehong survey sa NCR, ipinakita rin ang top five performing government officials, nangunguna si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may 70 na porsyento na approval rating.

Pumapangalawa si Interior Secretary Eduardo Año placed na may 68 na porsyento, Public Works Secretary Mark Villar na may 66 na porsyento, Transportation Secretary Arthur Tugade na may 65 na porsyento, at 63 na porsyento naman kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Ang most trusted agencies naman ay ang mga sumusunod: Department of Justice (DOJ) 68 na porsyento, Department of Tourism (DOT) 65 na porsyento, at Department of Foreign affairs na may 63 na porsyento.

Ang kabuuang public satisfaction sa Cabinet officials ni Pangulong Duterte ay nasa 57 na porsyento, ayon sa survey.

Raymund Antonio