Umaabot na ngayon sa mahigit 1.5 milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

S a case bulletin No. 490 ng Department of Health (DOH) na inilabas dakong 4:00 ng hapon nitong Sabado, nakapagtala pa sila ng panibagong 6,040 bagong COVID-19 cases sa nasabing araw kaya umabot na sa1,502,359 ang kaso ng sakit.

Gayunman, sa naturang bilang, 47,257 na lamang o 3.1% ang aktibong kaso.

Kabilang sa mga aktibong kaso ang 91.8% na mild cases, 2.7% severe, 2.0% na asymptomatic, 1.89% moderate at 1.6% na critical cases.

Metro

LRT-1, inilabas na kanilang ‘adjusted operating schedule’ sa parating na holiday rush

Mary Ann Santiago