Nakapagtala ng 23 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Angono, Rizal, kasama rito ang 2 isang taong gulang na mga bata.

Ayon sa Facebook post ni Mayor Jeri Mae Calderon, ang isang taong gulang na batang lalaki ay residente ng Barangay Kalayaan, ito ang isa sa pinaka bagong kaso ng COVID-19 sa Angono.

Angono Patient No. 2288 ang batang lalaki, isa itong close contact sa Barangay Kalayaan. Nagkaroon ito ng mild symptoms at sumailalim sa home quarantine mula noong Hulyo 16.

Noong Hulyo 15 naman, naitala ng municipal government ang pinaka batang COVID-19 patient na isang taong gulang na batang babae na residente ng Barangay Sto. Niño. Patient No. 2285 naman ang batang babae na nagkaroon ng mild symptoms at naka confine sa isang ospital sa labas ng Angono.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naitala ng Angono ang 2,288 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, 2,172 ang nakarekober at 93 naman ang namatay.

Nel Andrade