Makakapampante na nito ang Kapamilya fans na nabahala na posibleng si Sarah Geronimo na sa Kapamilya stars ang susunod kay Bea Alonzo na lilipat sa GMA Network at dahil ito sa ipalalabas sa GMA-7 ang Tala: The Film Concert ni Sarah.

Panay-panay na ang pagpapalabas ng GMA-7 sa teaser ng concert ni Sarah at naka-advise pa sa teaser na sa July 18, 4:35pm., ang first TV airing sa bansa ng concert. Sa report nga sa “24 Oras,” binangit ang ilang songs na kasama sa repertoire ni Sarah sa concert.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero, iyon na nga, walang dapat ikabahala ang Kapamilya fans dahil sinabi mismo ni Viva Entertainment boss na hindi pa tapos ang exclusive contract ni Sarah sa ABS-CBN. Mukhang magtatagal pa ang kontrata ni Sarah sa ABS-CBN, kaya mananatiling Kapamilya si Sarah nang matagal-tagal pa.

Sa Viva Artists Agency may management contract si Sarah, pero ang TV contract niya ay sa ABS-CBN. Ang VAA ang nagde-decide pagdating sa kontrata ni Sarah and in fairness to them, wala silang balak alisin si Sarah sa ABS-CBN at ilipat sa GMA Network.

Nitz Miralles