Mismong si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang nagkumpirma sa pagkaka-dismiss ng pulis na si Hensie Zinampan sa kanyang serbisyo.
“Today, I signed the dismissal order of Police Master Sergeant Hensie Zinampan who was found guilty of grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer in connection with the killing of 52-year old Lilybeth Valdez on May 31, 2021,” ang pahayag ni Eleazar nitong Huwebes.
Tiniyak ni Eleazar, hindi na makababalikpa sa serbisyo ang nasabing pulis dahil sinunod nila ang lahat ng pamamaraan at polisiya nang isailalim ito sa summary dismissal proceedings.
Matatandaangnag-viral ang video ni Zinampan nang barilin nito hanggang sa mapatay si Valdez sa Barangay Greater Fairview, nitong nakaraang buwan.
Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo, nahaharap pa rin ngayon si Zinampan, 42, nakatalaga sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG), sa kasong murder kaugnay ng insidente.
“SiZinampanay nakakulong ngayon dahil may kinakaharap siyangmurder case.Sa panig ngPNP,hindi na siya itinuturing na pulis dahil sa kanyangdismissal order,na ang ibig sabihin din ay tinanggalan na siya ng sweldo at iba pang mga benepisyo," pagdidiin ni Eleazar.
“Ang pagkakatanggal kayPMS Zinampansa serbisyo ay isa lamang sa mga patunay na hindi namin kinukunsinti ang mga pang-aabuso at mga kamalian sa aming hanay. Ito din ay nagpapatunay na angdisciplinary mechanismsaPNPay gumagana, matatag at maaasahan," dagdag pa ng heneral.
PNA