Nasa no.1 sa Vivamax agad ang pelikulang “Kaka” na launching movie ng sexbomb na si Sunshine Guimary, mula nang magsimula ang streaming nitong Mayo 28.

Sa wika ng movie reviewer na si Mario Bautista, hindi lamang kaseksihan kundi ang mahusay na pag-arte ni Sunshine ang hahangaan. Sex pa rin ang selling factor ng “Kaka.”

Sa opening scene ay makikitang nilalaro ni Sunshine ang sarili hanggang gumamit siya ng vibrator. Acting wise ay kaya niyang makipagsabayan kay Ms. Gina Pareno. A natural scene stealer.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sunshine

Sa tagumpay ng “Kaka” ay nakapila na ang mga sex flicks na gagawin ng Viva. Tulad ng "Nerissa" tampok si Cindy Miranda. Streaming din "Ang Babaeng Walang Pakiramdam" ni Kim Molina.

Tiyak na may nilulutong bagong project para kay Sunshine Guimary na walang pagsidlan ng tuwa sa tinamong tagumpay ng kanyang unang pelikula.

At kung nasa normal na kondisyon tayo ay tiyak na magdaraos ang Viva ng victory party.