Thankful ang aktor na si Coco Martin sa patuloy na pagdami ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa kanyang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa YouTube sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN.

“Dahil po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19. Kapag naririnig namin na nandyan pa rin kayo para samahan kami gabi-gabi ay patuloy na nagpapalakas ng loob namin, kahit ano ang lungkot, hirap na pinagdadaanan namin ngayon. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin,” say ni Coco sa isang panayam ng “TV Patrol.

Walong magkakasunod na episodes lang naman na sinira ng show ang sarili nitong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Nitong Hulyo 3, nakapagtala ang serye ng 154,039 live concurrent viewers sa episode tampok ang madugong pakikipaglaban ni Cardo (Coco), Lia (Jane De Leon), at ng Task Force Agila sa batalyon ni Renato (John Arcilla) na nauwi sa pagkakasawi nina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino).

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Marami sa mga kasama ni Cardo ang sugatan ngunit matagumpay naman silang nakatakas mula kay Renato. Ngunit saan na sila pupunta ngayong wala na silang mababalikan at wanted pa rin sila ng batas?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Mercy Lejarde