Sa kagustuhang mabigyan ng break ang aspiring singers at songwriters at bigyan daan ang hilig sa pagkanta, itinatag ni Piolo Pascual ang sariling music label "Just Music." 

Hindi na bago para sa batikang actor ang pagpo-prodyus. Business partners sila nina Joyce Bernal at Ericson Raymundo ng Spring Films. Sa pagkakataong ito ay nagdesisyon si Piolo na tanggapin naman ang hamon bilang record producer.

Piolo

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Dalawang talented singers na sina Kenji at NKO ang pambato ng Just Music. Kung wala na sa pangangalaga ng Star Music si Iñigo ay baka si Piolo ang mag-produce ng bagong kanta para sa anak na unti-unting nakikilala sa international market.