Pinatunayan ngayon ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang kasabihang “you’re never too old to chase your dreams.”

Balik-pag-aaral ngayon si Ruffa upang matupad ang kanyang dream at maging mabuting halimbawa sa kanyang mga anak.

“I am both humbled and excited to share with you that I am currently enrolled in The Philippine Women’s University to pursue a Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP),” pagbabahagi nyg 46-anyos na dating beauty queen.

Ayon kay Ruffa, makalipas ang 34 taong pagtatrabaho sa entertainment industry, pinili niyang ituloy ang kanyang pag-aaral hindi lamang para matupad ang kanyang “long-held dream” at makontrol ang next chapterng kanyang buhay, ngunit para rin maging mabuting halimbawa sa kanyang mga anak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I hope you can support me in my new journey,” saad pa ni Ruffa.

Nagpaabot naman ng suporta at pagbati ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Aiko Melendez, Tim Yap, Sunshine Cruz, Kathryn Bernardo, Isabelle Daza, Janine Gutierrez, at Eula Valdez.

Maging si Ana Roces ay napa-comment ng “amazing news.”

“You continuously make us Proud @iloveruffag Go and reach for your dreams.. we are all behind you & will be cheering for you the whole way!! Bravo,” komento naman ni Charlene Gonzalez-Muhlach.

Excited at masaya rin ang twin na kapatid ni Ruffa, na sina Raymond at Richard sa back-to-school project ng kanilang ate.

Stephanie Bernardino