ni LEANDRO ALBOROTE

Isang binata ang inaresto makaraang nagwala sa Sitio Tampoco, Barangay Matatalaib, Tarlac City kamakalawa ng gabi.

Kinasuhan at nakadetine ngayon sa Tarlac City Police Station si Eduardo Mahusay, 30, ng Sitio Santos ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Roberto R. Bautista, ang suspek ay nakaharap sa kasong Resistance and Disobedience Upon an Agent of Person in Authority.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaresto si Mahusay habang nasa impluwensiya ng alak na gumagala sa bisinidad ng Sitio Tampoco, Barangay Matatalaib, Tarlac City at nanggugulo.

Bukod dito, wala ring suot na face mask at t-shirt ang suspek na animo'y si Rambo na nagwawala sa hindi malamang kadahilanan.

Nagpapatrulya noon si Police Corporal Armado T. Marcelo at iba pang PNP members nang madaanan nila ang suspek. Sinikap nilang payapain ito ngunit naging matigas at lumaban hanggang sa arestuhin at dalhin sa istasyon ng pulisya.