ni Bella Gamotea
Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng dalawang Chinese matapos umanong lumabag sa curfew,makumpiskahan ng baril at pinaghihinalaanf iligal na droga sa Pasay City nitong Sabado.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Pasay City Ordinance 6129 (Curfew), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na kinilalang sina Li Yanchi,25, at Sun Shihao, 26.
Sa ulat ni SSgt. Scott Arcilla, may hawak ng kaso, nagpapatrulya ang mga tauhan ng MOA Sub-Station 10 sa Sunrise Drive, MOA Complex, Barangay 76, Zone 10, na sitahin ng mga ito ang dalawang suspek, dakong 1:30 ng madaling araw dahil sa nasabing mga paglabag.