ni Marivic Awitan

May bagong mukha ng mamumuno at inaasahang magsisilbing franchise player ang Terrafirma sa susunod na tatlong taon sa katauhan ni Joshua Munzon.

Ang top overall pick ng nakaraang 2021 PBA Rookie Draft ay lumagda na ng kontrata sa Dyip noong nakaraang Biyernes ng umaga.

Naganap ang pagpirma ng kontrata ni Munzon na sinamahan ng kanyang agent- manager na si Jouie Ramos kasama si Dyip governor Bobby Rosales sa Terra Firma Realty’s office sa Makati City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I just want to come in and contribute and be a good example both on and off the court,” pahayag ni Munzon.

Produkto ng Division II school Cal State Los Angeles, naglaro si Munzon sa mga ABL teams na Saigon at Westsports Malaysia bago naging pioneer ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 pro team kung saan siya ang naging top-ranked 3×3 player ng bansa.

Nauna rito, lumagda na rin ang 8th overall pick na si James Laput sa Terrafirma.

Wala naman silang ibinigay na kaukulang detalye hinggil sa nilalaman ng kontrata ng dalawang manlalaro.