BIGONG makausad si Filipina tennis phenom at Globe ambassador Alex Eala sa International Tennis Federation (ITF) World Tennis Tour W25 Manacor nang magapi ni third seed Jana Fett ng Croatia, 4-6, 6-3, 5-7 sa second round nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Matikas ang simula ng 15-anyos na si Eala na nagawang makalusot mula sa 4-4 deadlock tungo sa 6-4 panalo sa first set laban sa 24-anyos ba karibal, kasalukuyang No. 210 player sa Women’s Tennis Association (WTA) singles rankings.
Naging dikitan din ang duwelo sa second set, subalit sa pagkakataong ito nakabawi ang Croation para maipuwersa ang deciding set.
Sa third set, namayani ang karanasan ni Fett at tuluyang naagaw ang momentum para sa 5-3 bentahe. Hindi naman nawalan ng loob si Eala ng muling nakipagtagisan ng bilis at husay sa baseline shots para maitabla ang iskor sa 5-5 all. Nagawa pang makaabante ni Eala sa 40-15, ngunit naagaw ni Fett ang panalo at nagawang basagin ang service play ng Pinay para tuldukan ang laro na umabot ng mahigit dalawang oras.