Nang dahil kay Rachel Peters ay marami nang lalaki ang mangangarap na malunod!

rachel peters

Ito ang nakakaaliw na comment ng isang netizen sa balitang pagsagip ng Miss Universe Philippines 2017 titleholder sa isang lalaking nalulunod sa dagat ng Siruma, Camarines Sur kamakailan.

Proud na ibinahagi ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang heroic acts ng kanyang beauty queen fiancee.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

“So proud of my girl @rachelpetersx for saving this guy’s life who got caught in a strong riptide earlier,” isinulat niya sa Instagram.

“The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean! Sige na papayagan na kita mag-Siargao ng mag-Siargao pa more babe,” dagdag pa ni Migz.

Maraming netizen ang humanga kay Rachel na isinuong ang panganib para makasagip ng kapwa.

Ang ilan ay nag-nominate pa sa kanya bilang pangulo sa 2022.

“Rachel Peters for President,” comment ng isa sa social media.

“Pakisagip naman ng naghihingalo kong puso,” lambing ng isang lalaking fan.

“True hero and amazing queen,” say naman ng isa pa.

“She creams beauty and kindness,” papuri ng isa.

Inilarawan naman ng isa pa si Rachel na “a true Miss Universe.”

-CHEL QUITAYEN