PALABAN ang mga sagot ni Korina Sanchez sa netizens na nag-comment sa noise barrage para ikampanya na ibalik sa ere ang ABS-CBN. Halimbawa na lang ang nag-comment na hindi tama ang mass gathering ng supporters ng network dahil punuan na ang mga hospital.

korina

Sarcastic ang sagot ni Korina na “Oh puhleeez... concerned ka talaga?”Sa nag-comment na “Covid is ebriwer,” sagot ni Korina, “Ohhh SHUT UP Troll.” Kaso palaban din ang netizens at ibinalik kay Korina ang pagtawag ng troll.

Sa nagtanong kung saan ang social distancing, ang sagot ni Korina, “naka face shield at masks sila noh. And kapag may pinaglalaban, sagot na nila ang sarili nila”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May mga gustong inisin at galitin si Korina at ang tanong nila, bakit wala sa caravan at sa noise barrage si Korina? Bkit daw nagtatago lang siya sa bahay habang halos lahat ng workforce ng istasyon, nagrereklamo, nag-iingat, umiiyak at nagagalit?

Pinakamatapang na sagot ni Korina ang one liner na sagot nitong “STUPID” sa nag-comment na dapat sumunod ang mga sumali sa caravan at noise barrage sa policies at ipinapasunod na law ng bansa. Sinabihan din ng netizen si Korina na hindi naman ito magugutom kahit mawalan ng trabaho dahil milyonarya siya.

Marami pang sagot si Korina sa netizens na nagko-comment ng hindi maganda na nakakatuwang basahin dahil hindi mo ma-imagine si Korina na sinasagot ang mga

comment na in fairness, hindi niya kinaiinsan at hindi sinasaway. Maghanda lang ang sinumang papasok sa IG ni Korina para makipag-argumento dahil hindi nila mapipikon si Korina at nag-i-enjoy pa yatang makipagsagutan sa netizens na kontra sa kanya.

-Nitz Miralles