Naniniwala si Senate minority leader Franklin Drilon na isinusulong na ng mga local government leader ang constitutional reform o Charter Change upang matiyak na magkaroon ng ‘no-el’ o no-election scenario sa May 2022 national elections.

Ito ang reaksyon kahapon ni Drilon kasunod na rin ng panibagong pagsusulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) para sa Charter change sa kabila ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis sa bansa.

“Sa akin, ang intention ay para hindi matuloy ang halalan sa 2022 at kung matuloy man, alisin yung term limit. Hindi po tama ‘yan.

“Regardless kung kailan gagawin, hindi pwedeng ipagpaliban ang halalan sa 2022 o alisin ang term limit. Sa akin iyan ang purpose, Kahit sabihin nila na ito lang ang gagalawin, mali,” pahayag ni Drilon sa isang television interview.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

-Hannah L. Torregoza