NAKU! Baka magpost na naman nito ng cryptic messages sa kanyang IG Story si Clint Bondad kapag napanood ang IG Story nina Catriona Gray at boyfriend na si Sam Milby na masaya at nagkakantahan. Kinanta ni Catriona ang stripped version ng Were In This Together habang si Sam ang naggigitara. Ang malala pa, after the song, tumingin si Catriona kay Sam nang napakalagkit na tingin at nag-smile pa.
Tinging in love ang ipinukol ni Catriona kay Sam, kaya parang hindi totoo ang tsikang walang relasyon ang dalawa at pinalalabas lang na BF/GF sila para pagtakpan ang tunay na karelasyon ni Catriona. Hindi naman siguro papayag si Sam na gagawin lang siyang props ni Catriona.
Anyway, sabi ni Catriona, “All streams and digital download proceeds go towards the Young Focus Philippines’ “Quality Education for All” campaign which aims to raise Php1Million to kickstart an online education program for the students of Young Focus amidst the challenges of the COVID-19 pandemic.”
Pansin namin, ang daming Catriona-Sam shippers at pati mga taga-showbis, bet silang dalawa, bet ang kanilang relasyon.
Samantala, mapakikinggan na ang We’re in this Together sa lahat ng digital platforms, na ang kikitain ay mapupunta sa @youngfocusph at para sa edukasyon ng mga kabataang Pilipino.
-Nitz Miralles