ASSOCIATED PRESS –Ilang mga bagong pag-aaral ang nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga gamot na nakatutulong at ‘di nakatutulong na labanan ang COVID-19, kasama ng de-kalidad na paraan na nagbibigay ng magandang resulta.

Inilabas nitong Biyernes ng British researchers ang resulta ng kanilang pag-aaral sa gamot na tanging nagpakita ng magandang senyales sa mga pasyente – ang steroid na tinatawag na dexamethasone. Habang natuklasan naman sa dalawa pang pag-aaral na hindi nakatutulong ang malaria drug hydroxychloroquine sa mga pasyente ng COVID-19 na may ‘di malalang sintomas.

Sa mga nakalipas na buwan ang mga pag-aaral na tulad ng nabanggit, ang pagtuklas kung ano ang nakatutulong at nakapipinsala, ay naantala ng “desperasyon ng agham” sa pagbabakasakali ng mga doktor at pasyente sa iba’t ibang paraan at pag-aaral kahit pa wala itong tiyak na sagot.

“For the field to move forward and for patients’ outcomes to

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

improve, there will need to be fewer small or inconclusive studies [and more like the British one],” ayon kina Dr. Anthony Fauci at Dr. H. Clifford Lane ng National Institutes of Health sa New England Journal of Medicine.

Panahon na upang magsagawa ng mas maraming pag-aaral na magkukumpara sa mga treatment at testing combinations, ayon kay Dr. Peter Bach, isang health policy expert sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center, New York.

DEXAMETHASONE

Sa pag-aaral ng Britain, na pinangunahan ng University of Oxford, sinuri ang isang klase ng steroid na malawakang ginagamit upang mapahupa ang inflammation, na maaaring maging severe at prove fatal sa huling yugto ng COVID-19.

Nasa 2,104 na pasyente ang binigyan ng nasabing gamot na ikinumpara sa 4,321 pasyente na tumatanggap ng usual care (karaniwang pangangalaga). Napababa nito ng 36% ang pagkamatay ng mga pasyenteng nangangailangan ng breathing machines: 29% na tumanggap ng gamot ang namatay kumpara sa 41% na nasa karaniwang pangangalaga. Napababa rin nito ng 18% ang pagkamatay ng mga pasyenteng nangangailangan ng supplemental oxygen: kung saan 23% na sumailalim ang namatay kumpara sa 26% na iba pa.

Gayunman, nakitang nakapipinsala ito sa mga nasa early stage at milder cases ng sakit: kung saan 18% na sumailalim ang namatay kumpara sa 14% na binigyan ng karaniwang pangangalaga.

Ang paglilinaw sa kung kanino nakatutulong at hindi ang gamot “probably will result in many lives saved,” ayon kina Fauci at Lane.

HYDROXYCHLOROQUINE

Sa pag-aaral ding nabanggit dumaan sa mahigpit na pagsusuri ang hydroxychloroquine, na una nang sinabi ng mga mananaliksik na hindi ito nakatulong sa mga naospital na pasyenteng may COVID-19.

Makalipas ang 28 araw, nasa 25.75 ng nasa hydroxychloroquine ang namatay kumpara sa 23.5% na nasa karaniwang pangangalaga – maliit na pagkakaiba na maaari umanong nagkataon.

Ngayon, sa detalyeng inilabas sa isang research site para sa mga mananaliksik, lumalabas na maaaring makapagdulot ng pinsala ang nasabing gamot. Kung saan ang mga pasyenteng nabigyan ng hydroxychloroquine ay mas malaki ang tiyansa na hindi makalabas ng ospital ng buhay sa loob ng 28 araw – 60% ng nabigyan ng gamot kumpara sa sa 63% na nasa karaniwang pangangalaga.

Sa dalawa pang pag-aaral natuklasan na ang early treatment kasama ng naturang gamot ay hindi nakatulong sa mga outpatient na may mild COVID-19.

Sa pag-aaral sa 293 tao sa Spain, na inilabas ng journal Clinical Infectious Diseases, hindi nakitaan ng malaking pagbabago sa pagbaba ng virus na mayroon ang isang pasyente, panganib na lumala at kailanganin ang hospitalisasyon, o panahon upang maka-recover.

Lumabas din sa isang katulad na pag-aaral ng University of Minnesota doctors sa Annals of Internal Medicine sa 423 mildly ill COVID-19 patients ang na hindi nakitaan ng malaking tulong ang hydroxychloroquine, para mapababa ang sintomas at nagdulot ng ibang epekto.

“It is time to move on, [from treating patients with this drug],” ayon kay Dr. Neil Schluger ng New York Medical College na sumulat ng komentaryo sa nabbing journal.

REMDESIVIR

Ang tanging ibang therapy na nagpakita na nakatutulong sa mga COVID-19 patient ay ang remdesivir, isang antiviral na nagpapaikli sa hospitalisasyon ng mga pasyente, ng hanggang apat na araw.

“The role of remdesivir in severe COVID is now what we need to figure out,” pahayag ni Bach sa isang email, na sinabing kailangang masuri ang gamit bilang kombinasyon ng dexamethasone.

Hindi pa nailalabas ang detalye ng pag-aaral sa remdesivir, na suportado ng pamahalaan.