Naglabas ang World Health Organization nitong Huwebes ng bagong guidelines sa transmission ng novel coronavirus na kinikilala ang ilang mga ulat ng airborne transmission ng virus na nagdudulot ng COVID-19, ngunit hindi pa kinukumpirma na ang virus ay naikakalat sa pamamagitan ng hangin.
Sa kanyang latest transmission guidance, kinilala ng WHO ang ilang outbreak reports kaugnay sa indoor crowded spaces ang nagsuhestyon ng posibilidad ng aerosol transmission, gaya sa choir practice, sa restaurants o sa fitness classes.
Ngunit sinabi ng WHO na mas maraming research ang “urgently needed to investigate such instances and assess their significance for transmission of COVID-19.”
Ang report ay kasunod ng open letter mula sa mga scientist na dalubhasa sa pagkalat ng sakit sa hangin - ang mga tinatawag na aerobiologists - na hinimok ang global body na i-update ang guidance nito sa kung paano naikakalat ang respiratory disease upang maisama ang aerosol transmission.
Batay sa kanyang pagrepaso sa ebidensiya, sinabi ng WHO na ang coronavirus na nagsudulot ng COVID-19 ay naikakalat sa pamamagitan contaminated surfaces o close contact sa taong infected na naikakalat ang virus sa pamamagitan ng laway, respiratory secretions o mga patay na nagmula sa taong kapag ito ay humatsing, umubo, nagsasalita o kumakanta.
Gayunman, isinusuhestyon ng bagong guidelines na dapat umiwas ang mga tao sa maraming tao at tiyakin ang good ventilation sa mga gusali, dagdag sa social distancing, at hinikayat ang masks kung imposible ang physical distancing.
“This is a move in the right direction, albeit a small one. It is becoming clear that the pandemic is driven by super-spreading events, and that the best explanation for many of those events is aerosol transmission,” sinabi ni Jose Jimenez, chemist sa University of Colorado na lumagda sa liham na inilathala nitong Lunes sa journal na Clinical Infectious Diseases.
Sa press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Dr. Anthony Fauci, director ng U.S. National Institute of Allergy and Infectious Diseases, na wala pang maraming matibay na ebidensiya sa airborne transmission ng SARS-CoV-2, ngunit idinugtong na: “I think it’s a reasonable assumption that it does occur.”
Iilang sakit lamang ang pinaniniwalaang naikakalat sa pamamagitan ng o aerosols, o maliliit na floating particles. Kabilang dito ang tigdas at tuberculosis - dalawang nakakahawang sakit na maaaring tumagal ng ilang oras sa hangin at nangangailangan ng matinding precautions para maiwasan ang exposure.
Ang lumang WHO guidance ay kinikilala lamang ang airborne transmission ng novel coronavirus sa panahon ng specific medical procedures. Sinabi ni Linsey Marr, aerosol expert sa Virginia Tech na nag-ambag sa WHO letter, sa isang email na natutuwa na kinikilala na ngayon ng ahensiya na puwedeng mangyari ang airborne transmission.
Kahit na nakatuon ang WHO sa airborne transmission sa mahahabang distansiya, sinabi ni Marr na ang paghinga sa aerosols “is of greater concern at close contact and when people are in the same room.”
Reuters