ANG pag-quarantine sa mga apektadong pasyente, workplace distancing at pagsasara ng mga paaralan kapag matagumpay na naimplementa, ang pinaka epektibo upang mapigilan ang pagkalat ng new coronavirus o COVID-19, ayon sa resulta ng bagong pag-aaral na inilabas kamakailan bilang pagtingin sa naging tugon ng Singapore sa virus.
Nakita ng mga mananaliksik sa National University of Singapore ang malaking pagbagsak ng inaasahang kaso sa ipinatupad sabay-sabay ang tatlong physical distancing measures.
Gayunman, nagbabala sila na kung malaking bilang ng mga impektadong tao sa komunidad ang walang sintomas, o masyadong mataas ang infection rates, malaki ang pagbaba sa epekto ng naturang polisiya.
Ipinatutupad ng Singapore ang polisiya ng pagte-test at pagtukoy o tracing sa mga
COVID-19 patients upang malimitahan ang pagkalat ng virus, nang hindi ipinatutupad ang malawakang lockdown sa isang lugar o buong ekonomiya.
Gayunman, nitong Martes, inanunsiyo ng city-state ang ilang bagong hakbang tulad ng pagsasara sa mga bars at iba pang entertainment venues, kanselasyon ng mga religious services at aktibidad sa mga paaralan, isang araw matapos maiulat sa bansa ang 54 bagong kaso, na may kabuuan nang 509.
Ang pag-aaral, na inilimbag sa Lancet Infectious Diseases, ang unang uri ng modelling study sa Singapore.
FOUR SCENARIOS MODELLED
Gumamit ang mga mananaliksik ng apat na scenario sa pagkalat ng virus – kapag isinailalim sa quarantine ang mga tao na apektado ng COVID-19 at kanilang pamilya; quarantine at agarang pagsasara ng mga paaralan; quarantine at dagdag na ang kalahati ng lakas-paggawa ay nasa kanilang mga tahanan ng dalawang linggo; at ang kombinasyon ng tatlong sitwasyon.
Sa kanilang baseline scenario – kung saan naka-assume na walang ginawa ang mga awtoridad at bawat pasyente ay nakahawa ng 1.5 iba pang tao –80 araw matapos matukoy ang unang 100 kaso, aaabot ang average cumulative cases sa 279,000, o 7.4 porsiyento ng populasyon.
Bilang pagkukumpara dito, natuklasan ng mga mananaliksik na ang pinagsama-samang polisiya ng quarantine, workplace distancing at pagsasara ng mga paaralan ang pinaka epektibo, na nagbawas sa tinatayang average number of infections na 99.3 porsiyento sa tinatayang 1,800 kaso.
“While less effective than the combined approach, quarantine plus workplace measures presented the next best option for reducing SARS-CoV-2 cases, followed by quarantine plus school closure, and then quarantine only,” ayon sa ulat.
Ngunit natuklasan din na sa pagtaas ng kaso (higher infection – RO), mas mahihirapang ipatupad ang tatlong polisiya, na may R0 value na 2.5 na magreresulta sa 1.2 million kaso, 32 porsiyento ng populasyon, base sa baseline scenario.
Mababawasan ito ng 78.2 porsiyento gamit ang tatlong naturang hakbang, na hahantong sa 258,000 kaso.
Higit pang komplikado ang sitwasyon, nang ibase ng mga mananaliksik ang pagtaas ng kaso ng mga asymptomatic sa virus.
Kung ipapalagay na kalahati ng mga tao ang makalalampas sa virus ng walang nagiging sintomas—kumpara sa tinatatayang 7.5 porsiyentong baseline model – lolobo ang bilang ng mga apektado.
Kahit pa sa mababang RO na 1.5 kasama ang mga hakbang na ipatutupad sa isang komunidad, maitatala ang tinatayang 277,000 kaso matapos ang ika-80 araw, kumpara sa orihinal na 1,800 na bilang.