NAKAPAGSIMULA nang mag-taping si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng balik-teleserye niya sa GMA Network ang family drama na First Yaya. Tamang-tama namang natapos na ng kanyang toddler class si Zia kaya kaya bakasyon na ang bagets.

Marian

“Libre na akong mag-taping ngayon dahil nag-usap na kami ng asawa ko, si Dong,” sabi ni Marian. “Dati kasi, hindi ako makapag-taping dahil may school pa noon si Zia at nagti-taping si Dong ng Descendants of the Sun. Dahil bakasyon na si Zia at si Ziggy na 10 months old na ngayon, pwede na akong mag-taping ng soap ko. Inayos na rin namin ni Dong ang schedules namin, in such a way na kapag nagsimula na ako, siya naman ang nasa bahay, and kapag siya ang may work, ako naman ang nasa bahay.

“Na-miss ko rin ang paggawa ng teleserye dahil two years ago na ang last ko, ang Super Ma’am although hindi naman ako totally on leave, dahil bago ako nanganak kay Ziggy, tuloy naman ang taping ko ng Tadhana as the host ng documentary drama on Overseas Filipino Workers (OFWs) at ng Sunday variety show, ang Sunday Pinasaya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“At maganda dahil itong “First Yaya” ay light drama lamang, gaganap akong isang yaya na kinuha ng presidente ng Pilipinas na gagampanan ni Gabby Concepcion. For sure, more on comedy ito dahil sa plug shoot pa lamang namin, nakita ko na ang character na gagampanan ko.”

Sa direksyon ito ni LA Madridejos, kasama rin sa cast ng “First Yaya” sina Pilar Pilapil, Glenda Garcia, Sandy Andolong, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Princess Aguilar, Baeby Baste at si Cassy Legaspi, ang isa sa kambal ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Bale first acting role ito ni Cassy kaya excited siya.

Naka-hold muna ngayon ang schedule ng taping ng “First Yaya” dahil sa umiiral na community quarantine sa Metro Manila dahil sa Convid-19.

-NORA V. CALDERON