Dear Manay Gina,
Ako ay 44 years old, at matagal nang hiwalay sa una kong mister. Sa kasalukuyan, mayroon akong inspirasyon na mahal na mahal ko. Mabait kasi siya, responsable at romantiko. Halos isang taon na po kaming may relasyon.
Ang problema ko lang, hindi siya nakakapag-adjust sa aking mga kaibigan at kamag-anak. Kulang kasi siya ng kaalaman sa social graces at hindi masyadong sanay sa pakikipag-kapwa. Kapag kami’y magkasama, masaya kami pero ‘pag nakisalamuha na kami sa iba, talagang lumulutang ang kanyang kawalan ng karanasan sa mga sosyalan.
Thelma
Dear Thelma,
Simple lang ang problema mo Thelma. Tanungin mo ang iyong sarili kung alin ang mas higit na nakapagpapasaya sa ‘yo -- ang mga sosyalan ba o ang pribado mong buhay? Sa palagay ko, kahit sinong babae ay magsasabi na mas dapat mong paboran ang lalaki na nagbibigay sa ‘yo ng kaligayahan. Edges can be smoothed, and wine choices are why we have wine experts.
Hindi mo nabanggit kung may mga anak ka o kung maayos na ang pakikipaghiwalay mo sa ‘yong mister. Mas mainam kung maayos ang mga aspetong ito ng iyong buhay bago ka mag-seryoso sa isang bagong relasyon. Kung ang suliranin naman ay tungkol sa anak ng bawat isa, madali itong nagagamot ng tamang pakikipag-usap.
Nagmamahal,
Manay Gina
“It is only with one’s heart that one can see clearly. What is essential is invisible to the eye.”
--Antoine de Saint-Exupéry, The Little Prince
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia