MAKALIPAS ng sampung buwan, na isinilang ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang bunso nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Jose Sixto IV, o si Ziggy, ready na siyang balikan ang trabaho. May separation anxiety pa rin daw siya na iiwanan na niya si Ziggy, pero kailangang tuparin na niya ang paggawa ng bagong teleserye sa GMA Network.

Marian

Noong Lunes, February 17, ginanap na ang story conference ng isa sa pinakahihintay na serye sa 70th anniversary ng GMA Network, ang romantic-comedy na First Yaya na magtatampok for the first time kina Marian at Gabby Concepcion.

Sa story raw ay Vice-President of the Philippines si Gabby na magiging president rin, isang biyudo pero may dalawang anak, isang babae at isang babae, at ang yaya nila ay gagampanan ni Marian. Kung hindi kami nagkakamali, halaw ito sa musical movie na Sound of Music.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Makakasama nina Gabby at Marian sina Pancho Magno, Sandy Andolong, Pilar Pilapil, Glenda Garcia, at first teleserye ito nina Baeby Baste at Cassy Legaspi, isa sa twins nina Zoren at Carmina Legaspi. Tiyak na may iba pang makakasama sa cast. Ang serye ay ididirek ni LA Madridejos na siya ring nagdirek ng katatapos na The Gift ni Alden Richards.

Malamang kung magsisimula nang mag-taping si Marian, salisihan sila ni Dingdong, na nagti-taping naman ng Descendants of the Sun para may kasama ang mga anak nila kung wala ang isa sa kanila.

Pagkatapos ng story conference ni Marian, tumuloy pa siya sa renewal of contract niya, for Biofitea. Nagpasalamat si Marian sa muling pagtitiwala sa kanya ng Biofitea na ikalimang taon na niyang endorser ng produkto.

-NORA V. CALDERON