FINALLY, natuloy na rin ang pagsasama nina Julia Montes at Arjo Atayde sa isang teleserye na matagal nang plinano.

Julia at Arjo

Kaya namin nabanggit ito ay dahil noong ilang taon palang si Arjo sa showbiz ay isa si Julia sa gusto niyang maka-trabaho dahil fresh at nagagalingan siyang umarte.

May narinig din naman kami noon mula sa isang TV executive na magandang pagsamahin sina Arjo at Julia pero hindi ito nangyari dahil sa ibang leading man siya ipinareha tulad nina Coco Martin, Enrique Gil, Sam Milby at Aljur Abrenica.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At si Arjo naman ay kina Sue Ramirez, Yen Santos, Yam Concepcion, Chanel Latorre at Angel Locsin ang nakasama sa mga seryeng nagawa niya. At sa pelikula ay sina Jessy Mendiola at Anne Curtis ang kasama.

Curious kami kung ano ang karakter ni Arjo sa 24/7 dahil tanda namin ang sinabi ng aktor na kapag naulit ang role niya o walang bago sa inaalok sa kanya ay hindi niya tatanggapin, tulad ng Bagman series na gustung-gusto niya ang papel niya bilang si Benjo Malaya.

At higit sa lahat, curious din kami kung ano ang role ni Julia sa 24/7 na nakatitiyak kaming may pagka-aksyon ito dahil base sa mga na-post na litrato ng aktres ay nag-eensayo siya ng martial arts.

Tiyak na hindi lang kami ang excited sa muling pagbabalik ni Julia sa telebisyon dahil sobra siyang na-miss ng supporters niya na hindi siya iniiwanan.

Bukod kina Arjo at Julia o puwedeng tawaging ArJul ay kasama rin sa cast sina Edu Manzano, Pen Medina, Joem Bascon, Meryll Soriano, Anna Luna, Melissa Ricks, Matt Evans, Alora Sasam, JC Santos, Patrick Sugui, Benj Manalo at iba mula sa direksyon ni Manny Palo handog ng Dreamscape Entertainment.

-Reggee Bonoan