HINDI naman siguro sa pagdadamot ang hindi pagbigay nina Xian Lim at Kim Chiu ng petsa kung kailan ang anibersaryo nila bilang magboyfriend/girlfriend dahil nagsabi naman ang aktres ng, “’yung numero, sa amin na lang.”

Xian at Kim

Sa mediacon ng Love Thy Woman natanong ang KimXi at unang sumagot ang binata, “Nakalimutan ko na. Hindi kasi kami nagbibilang ng panahon. We only count each and every day our moments together.”

Pero base sa nakita ng lahat kay Kim ay maaliwalas at masaya siya ngayon na ibig sabihin ay kuntento siya kay Xian at wala silang mga isyung kinakaharap o dahil kasi nag-mature na siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi nga ni Kim ay hindi na isya clingy at controlled na ang feelings niya ngayon kumpara rati na all mine to give kahit maapektuhan ang karera niya.

Kasi naman binubusog siya ni Xian ng pagmamahal base na rin sa sagot ng aktor kung paano niya mahalin ang karelasyon base sa titulo ng teleserye nilang Love Thy Woman.

“Handle with care. Treat her with respect and always communicate. Never let a day go by without settling or fixing your problems. Never go to sleep at night without having that fixed,” sabi ng aktor.

At habang sinasabi ito ni Xian ay seryosong nakikinig si Kim at nakangiti siya.

Samantala, abut-abot ang pasalamat ni Xian sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment bosses dahil muli siyang gagawa ng teleserye at bonus na kasama pa niya si Kim na inakala ay hindi na sila muling magtatambal pagkatapos niyang lisanin ang Star Magic at lumipat sa Viva Artist Agency.

Aniya, “I am very happy to be given this opportunity by ABS-CBN family and Dreamscape. It’s always fun to be around them. I am so proud and happy na napabilang po ako dito.

“And of course, kay Kim, ang tagal na naming hindi nagkasama. It feels different but at the same time ‘yung energy and chemistry is still there. It feels like the first time that I was working with Kim.”

Abangan ang Love Thy Woman simula sa Pebrero 10 sa Kapamilya Gold.

-Reggee Bonoan